Divorce muna bago same sex marriage

Mas madaling maipasa ang divorce kesa sa same sex marriage na nais ipanukala ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.

Ito ang paniniwala nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kaya hiniling ng mga ito na unahin ang divorce bill bago pag-isipan ang same-sex marriage dahil hindi­ pa umano handa ang mga Filipino na mag-asawa ang lalake sa lalake at babae sa babae.

Sinabi ng mambabatas na bagama’t may annulment sa Pilipinas, tanging ang mga mayayaman ­lamang umano ang nakikinabang dito habang patuloy na nagtitiis naman ang mga mahihirap dahil ­hindi nila kayang gastusan ang annulment.

Ganito rin ang pahayag ni Villafuerte kaya nais nito na pag-usapan muna ang divorce bill bago payagan ang same-sex marriage sa bansa dahil sa ngayon, aniya, ay ‘conservative’ pa ang Kongreso. ­