Hinimok ni Albay Rep. Edcel Lagman si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na suportahan na lang ang dalawang panukalang batas hinggil sa divorce imbes na maghain ng sariling panukala na tinatawag na dissolution of marriage.
Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nasabing panawagan sa press conference kahapon kung saan siya ang pangunahing may-akda sa House Bill 116 o An Act Instituting Obsolute Divorce in the Philippines.
Bukod sa panukala ni Lagman ay hindi rin umuusad ang House Bill 2380 na inakda nina Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus at Arlene Brosas o “An Act Intruducing Divorce in the Philippines.”
“We are inviting the Speaker to co-author our bill on divorce instead of filing his own,” ani Lagman dahil pareho lang naman umano ang layon ng Divorce at Dissolution of Marriage na ipinapanukala ni Alvarez.
Naniniwala si Lagman na kung susuportahan lang ni Alvarez ang panukalang divorce ay mabilis itong maipapasa.