Maghugas ng kamay!
Likas na sa tao at sa kagaya naming mga estudyante ang dapuan ng dumi sa kamay. Mula sa biyahe pa-school, pagsulat, pagkain at ano-ano pang activities sa campus ay madaling madumihan ang kamay.
Kaya naman ang palagiang paghuhugas ng kamay ay magandang practice para iwas-bacteria o virus.
Pero kung walang tubig, isa sa mabisang panlinis ang hand sanitizer. At kung gustong makatipid, madali lang gumawa ng sariling hand sanitizer.
Simple lang ang mga kailangan:
15% Gel Solution
75% Deo-Ethyl Alcohol
0.1% Triclosan (antibacterial)
1% Aloe Vera Extract
9.9% Purified Water
0.1% Triethanolamine
0.4% Fragrance Oil
0.5% PolyKleer
Maghanda rin ng mga utensils gaya ng:
A beaker and stirring rod
A large syringe without needles
Containers for the hand sanitizers (e.g. plastic bottles or plastic tubes)
Paano gawin?
Una’y pagsamahin ang gel solution at deodorized ethyl alcohol. Haluin itong mabuti at ihalo rin ang Triclosan. Isunod ang aloe vera extract at haluin ulit na mabuti. Pagkatapos ay isama na rin
Habang hinahalo ang purified water tsaka isunod na ang triethanolamine, fragrance oil at polykleer.
Isalin na ito sa container gamit ang syringe.