Muling binibigyang-pugay ng mga pagbasa ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma ang dakilang habag ng Diyos. Sa Ebanghelyo (Lc 13-19) mababasa kung gaano katiyaga ang Panginoon na nag-aalaga at nagliligtas sa Kanyang mga hinirang. Tunay na lubos ang pag-ibig ng Ama sa tanan kaya’t binibigyan tayo ng panahon at pagkakataong magbalik-loob at magbago.

Tatlong bagay ang binibigyang-diin ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon: Una, na walang pinipili ang kamatayan—walang sinuman ang may hawak ng sariling buhay! Ikalawa, lahat ng kasamaan ay may kaparusahan—kapahamakan ang dulot ng kasalanan at ikatlo, hindi tayo dapat matakot dahil totoong maawain ang Diyos na nagkakaloob sa ating ng panahong makapag-isip.

Ang talinghaga ng punong-igos na hindi namumunga ay hindi isang pagbabanta kundi pamapalakas-loob sa mga taong nagkasala. Ang may-ari ng puno ay kumakatawan sa mga taong mapaghusga sa mga makasalanan Katulad ng mga Pariseo, Escriba at iba pang mga Judio sa panahon ni HesuKristo.

Sa kuwento, si Kristo ang tumatayong taga­pag-alaga ng punong-igos. ‘Di tulad ng may-ari ng puno sa istorya na ‘bunga’ i.e. kita at tubo lang ang maha­laga, ang ‘puhunan’ na ibinigay sa atin ni Hesus ay Kanyang oras at pagod o mismo Niyang sarili. Mahalaga tayo sa Diyos na ating Taga­pag-alaga dahil mahal Niya tayo, kaya hindi Niya maatim na basta nalang tayong ‘putulin’ o patayin!

Ganito kadakila ang malasakit ng Panginoon sa ating lahat na makasalanan. Sa walang-katumbas na pag-ibig ni HesusKristo, hindi Niya ninais na ‘mawala’ o mamatay ang sinuman sa atin. Sa katunayan Siya pa mismo ang nag-alay ng buhay para sa atin! Totoong matiyaga, maunawain at mahalagin ang Diyos.

Giit ng Simbahan, huwag sana daw natin sayangin ang pagkakatong ibinibigay sa atin ng Poon sa mundo. Binibigyan tayong lahat ng Diyos ng maraming oportunidad sa buhay makita ang ating mga pagkakamali, magsikap itama ang mga iyon at magsimulang mamuhay sa gabay ng Banal na Espiritu. Habang may buhay may pag-asa, ika nga, pero kung hindi tayo magbabag.

Saad ni Bishop Teo­doro C. Bacani Jr. DD, “How great indeed is the inheritance being prepared for us by God. And how great and plentiful is the grace given to us to prepare us for that inheritance. And yet we can be unmindful of that grace which calls us to turn to God.” Binibigyan daw tayo ng Diyos ng chance maligtas therefore grab your oppportunity, aniya.

Sa huli dagga ni Fr. Ramil R. Marcos, STL “For God there is always hope because God is the ‘God of second chances’” Ngayong Kuwaresma pinapaalalahanan tayo na walang talagang ‘hopelessness’ na sitwasyon o tao sa mata ng Diyos. Nariyan pelagi ang Panginoon sa tabi at suporta natin. Buksan natin ang ating puso sa awa Niya upang ibahagi ang Kanyang pag-ibig at habag sa mundo.