Kinumpirma ni DJ Chacha na buntis siya sa kanyang second baby.


Ito’y sa pamamagitan ng kanyang Vlog. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang ikasal siya sa non-showbiz husband niyang si Mike Guevarra.


Dahil dito, nag-request umano si DJ Chacha na ilagay sa mas maagang timeslot ang kanyang radio show sa MOR 101.9. Gusto niya kasing mapangalagaan at maprotektahan ang kanyang pagbubuntis.
Si DJ Chacha ay may isang babaeng anak sa nakaraan niyang relasyon.



Rhea Tan may foundation na

 

Hindi na maawat ang paglaki ng kompanya ni Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan.


“16 years na ko here sa Angeles. 10 years na rin ang Beautéderm (heart emoticon). Parang kelan lang ! Thank you Lord. Perfect timing ka po talaga.


“Sa wakas Flagship stores na pangarap ko kung san ako nakatira – eto na!! 85th store Opens at SM Clark; 88th Store Opens at Marquee Mall #SeptembertoRemember #tomorelivesChanged #DreamsDoComeTrue #FaithAboveAll #Roadto100 #ambitionNowAMission,” mababasa sa kanyang Facebook Account.


Sa September 18, 2019, 4PM, may Meet & Greet ang The Face of Beautederm Home na si Marian Rivera sa ribbon cutting at blessing ng Beautederm Flagship Store, 2nd floor ng Marquee Mall, Angeles City.
Sa September 22 naman ay grand opening. All-star dahil dadalo sina Sylvia Sanchez, Jane Oineza, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Matt Evans, Alex Castro, Hashtag Ryle, Maricel Morales, Glydel Mercado, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, Anne Feo, Darla Sauler, Kitkat. Special guests sina Kakai Bautista at Boobay.
Nagkaroon na rin ng ContriBeaut, Inc. (Beautederm Corporation Foundation) ni Ms. Rei para makapag-share ng blessings sa mga nangangailangan. Kamakailan ay sinamahan siya nina Ejay at Jana Roxas sa Bahay Pag-ibig sa San Fernando, Pampanga.
Habang umaasenso ang negosyo ni Ms. Rhea, mas marami siyang natutulungan.


Bongga!



Sexbomb Girls sasabak sa ‘Flying Spaghetti Cooking Challenge’

 

Nakipag-bonding si Carmina Villarroel sa dating Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Cheche Tolentino at Aira Bermudez. Mapapanood nga­yong Sabado sa “Sarap ‘Di Ba” pagkatapos ng “Maynila”.


Saksihan ang charm at vitality ng Sexbomb Girls para sa magandang version nila ng latest trending dance moves ng Blackpink.


Meron din silang “Flying Spaghetti Cooking Challenge”.


May Sexbomb Dance Moves challenge din sina Mavy, Cassy at Carmina sa naturang episode.