Hindi na napigilan ni DJ Chacha na magsalita sa rant na ginawa ng kanyang empleyado sa Facebook. Bumuhos na ang galit niya dahil nadamay na rin umano ang ipinagbubuntis niya.
“May mga tao na kht nakapag tapos ng pag aaral wala nmn pinag aralan, kala mo sobrng famous eeh, tsk Good luck sayo at sa magiging anak mo girl,” saad ng post ng kaniyang empleyado.
Ipinost din ni DJ Chacha ang screenshot ng post at ipinahayag ang kanyang saloobin. Inamin niya na pinagalitan niya ang kanyang empleyado dahil hindi umano maayos ang pagtatrabaho nito.
Dineny pa umano nito na ang kanyang post ay patungkol sa kanyang boss. Ani DJ Chacha, “Nakakaloka! Next time kung ayaw napapagalitan wag na magtrabaho. At next time kung magpopost against sa boss, tag mo na para derechahan.”
Gayunpaman, hindi pa rin naman umano niya sisisantihin ang empleyado. Pero babala niya rito na huwag idamay ang anak niya.
Aniya, “Please lang ha wag mo damay anak ko. Wala siyang kalaban laban sa loob ng tiyan ko sist! Ako na lang sirain mo sanay na sanay na ako sa mga empleyadong tulad mo. Dalang dala na kame ng asawa ko.”
Paliwanag pa niya, “Oo mahigpit akong amo kase hindi naman pinulot lang ang pinuhunan namen sa business. Sipag at tiyaga yun.”
Sa huli ay dinelete ni DJ Chacha ang kanyang post dahil na-realize niya na dapat na lang niyang intindihin at ipagdasal.
Aniya sa post, “I deleted my post earlier tungkol sa isa mga staff namen. My husband made me realize na yung mga ganong klase ng tao kailangan ng pag-iintindi. Ipagdasal ko na lang daw sabe ng asawa ko. Pray for the things you can’t control ika’ nga. Be kind to unkind people kase kailangan nila yun. Lord, please pasensiya pa po at pang-unawa sa mga taong hindi marunong lumaban ng patas. Kayo na po bahala.” ( Ronaline Avecilla)