Bongga talaga si DJ Chacha  ng ABS-CBN’s MOR 101.9  dahil muli na naman niyang pinatunayan ang pagi­ging versatile niya. Bukod sa pagra-radyo at hosting, ibinahagi niya ang kaniyang first movie na “Pansamantagal” with Gelli de Belen at Bayani Agbayani. Showing na ito sa March 20 sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan.

 

Bago makamit ang unang break niya sa pag-arte, kamusta naman kaya siya bilang DJ? Wala bang kompetisyon sa kanila ni Nicole Hyala?

 

“Sa totoo lang talaga, magaling talaga si Nicole Hyala. Hands-up kami lahat sa kanya. Even before pa ako mag-DJ, Nicole Hyala na ‘yun. As in sila ang nagsimula ng masa trend dito sa Pilipinas. Kung bakit lahat na ng FM radio station ay puro pang-masa, because of Nicole Hyala, Papa Jack and Chris Tsuper. Silang tatlo talaga ang nag-start niyan,” pakli niya.
Isinasabong kina Papa Jack, Nicole Hyala
Sino ang mas sikat sa kanila ni Nicole?

 

 

“Sikat pa rin siya, feeling ko. Mas sikat pa rin siya. Sobrang okay kami, nag-uusap kami. Pupunta siya sa kasal ko (nga­yong March). But there was a time lang nu’ng bago ako sa radyo, pinagsabong kami talaga, pinagsabong din kami ni Papa Jack. Mayroong gumawa ng isyu para mag-away kami. Tapos nagkita kami, napag-usapan namin ni Nicole ‘yun. Sabi ko hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung isyu tapos ‘yun na, nag-sorry kami sa isa’t isa.

 

 

Basta may nangyari na kasi eh, dahil pinagsabong kami, meron na rin kaming hindi nasabing maganda sa isa’t isa. Ngayon super duper okay kami.”
Gusto ba niyang maging TV star?
“Ang gusto ko i-try TV hosting. ‘Yun ang bet ko. Pero siyempre kapag may offer sa ‘yo at ikaw ang gusto, ‘di ka tatanggi. Kasi hindi lahat nabibigyan ng opportunities eh. Hindi naman lahat ng DJ nagkaka-pelikula,” tugon pa niya.
Wala bang nagalit sa gimik niya sa radio na prank call?
“Kinabahan ako kay Vice Ganda nu’ng pinrank ni Nicko (Natividad). Akala ko magagalit si Vice. Pero naga­lit siya kay Nicko sa akin hindi siya nagalit. Tinext ko siya, ‘momshie nagalit ka ba?’ ‘Wala bakla ano ka ba wala ‘yun.’ Tapos tinext ako ni Nicko sabi niya ‘Ate Cha, hindi ako pinapansin ni Vice.’”

 

Ano ba ‘yung grabeng prank call na nagawa niya?

 

 

“‘Yung kay Ogie at kay Vice. Alam mo grabe ‘yun, pinrank ni Vice si Ogie, first time ko nakita si Vice na natakot sa buong buhay niya. In all fairness kay Vice, grabe pa rin ‘yung respeto niya kay Mama Ogs, as in grabe talaga, takot na takot siya. ‘Hala ano ba ‘yan Chacha ano ba ‘yung ginawa ko.’ As in parang namutla si Vice nun. ‘Yun talaga pinakamalala kasi doon sumikat ‘yung prank call. Number 2 ‘yung kay Nicko at kay Vice, tapos number 3 ‘yung may nag-prank kay Daniel Padilla at isa pa na hindi ko makakalimutan ‘yung kay Joshua (Garcia) at kay Julia (Barretto). Doon ko nalaman na mag-jowa na sila.”

 

Sino ‘yung nasa listahan niya na gustong i-prank?

 

 

“Gusto ko i-prank ni Momshie Karla si Daniel Padilla. Feeling ko mapu-push niya ‘yun na anak mag-aasawa na ako ulit. Gusto ko makita reaksiyon ni Daniel,” tugon ni DJ Chacha.