DJ Karen kinuyog sa ecstasy raid­

Umani ng mga nega­tibong reaksyon mula sa netizens ang pagkaka-aresto kay Karen Bordador o DJ Karen habang kasama ang kanyang boyfriend makaraang isai­lalim sa buy-bust operation sa condominium unit ng lalaki sa Pasig City kamakailan.

Sa nasabing buy-bust operation, naaresto si Bordador at ang nobyo nitong si Emilio Lim matapos umano inguso ng isang Filipino-American na kinilalang si Evan Reynald Baylon na unang nadakip habang nagbebenta ng ecstasy sa isang high end bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ikinagulat ng mara­ming ang pagkakadakip kay Bordador na isang kilalang radio DJ, commercial model at kasama rin sa mga ‘sexiest wo­men’ ng isang men’s ma­gazine.

Nadiskubre sa condominium unit ni Lim ang aabot sa P2.5 milyong halaga ng mga ecstasy pills, pinatuyong marijuana, marijuana resin, mga drug paraphernalia at narekober din ang P100,000 buy-bust money.

Bagama’t itinanggi umano ni Bordador na wala siyang ginagawa at bumisita lamang sa condominium unit ng kanyang boyfriend nang mangyari ang buy-bust operation, ilang netizens ang nagpahayag ng negati­bong komento sa kanya.

“To get rid of any spe­culation and harsh judgment… ask Karen Bordador if she is willing to undergo a drug test kno­wing that her business is into staying up late until the wee hours of the night till morning.

About her excuse of just visiting… is she there for the love or use or both. Only she can answer that… My advice don’t waste your life… Tell the TRUTH,” Twitter post ng netizen na si Joel Gonzales.

Isang netizen naman ang nagpayo na maging state witness na lamang umano si Bordador.

“…maging state witness ka na lang tutal wala nang naniniwala na hindi mo alam na pusher bf mo. Now is your chance to clean your life,” komento ni Eman Santiago ng Cebu City.