DJ Karen, napagkamalang vitamins ang ecstasy pills?

NAKAKATAWA ang sagot ni DJ Karen Bordador (na sumali sa real­ity show na I DO) nang tanungin siya kung bakit nasa lugar siyang kasama ng kanyang boyfriend na na-involve sa drug bust.

Binibisita lang daw niya ito.

So, noong nakita niya ‘yung sangkatutak na ecs­tacy pills, ano’ng akala ni Karen doon?

Mga multi-vitamin supplements ang binebenta ng boyfriend niya?

***

Kailangang awatin na si Enrique Gil sa kanyang pagta-topless dahil hindi kagandahang tingnan ang pagbubuyangyang ng kanyang tabaing katawan sa Dolce Amore.