Parehong internet sensation sina Ivana Alawi at ang China-based na si DJ Loonyo (Rhemuel Lunio).Pareho silang may kaniya-kanyang mga follower.

Ni-link sila sa social media (although matagal na silang magkakilala). Nagsimula silang mag-`flirt’ sa isa’t isa bilang prank na kinagat naman ng kanilang mga tagahanga .Dito nagsimulang mabuo ang #LooVana o #IvaNyo loveteam.

May isang pagkakataon na pati ang mommy ni Ivana played a victim sa kanilang prank.Paniwalang-paniwala ito na merong namamagitan sa dalawa. Hindi lamang ipinaaalam sa kanya.

Sinabihan pa ng mommy ni Ivana si DJ Loonyo na huwag umanong lolokohin ang kanyang anak dahil mananagot ito sa kanya.

Gusto rin umano niya itong makita pagkatapos ng lockdown. Sa kalaunan ay inamin din ni Ivana sa Ina na biro lamang daw ang lahat.

Pero kung ang mga fan nina Ivana at DJ Loonyo ang masusunod, gusto nila na ito’y mauwi sa totohanan lalo’t parehong single ang dalawa.