DJ Loonyo ginamit ng starlet

Papatulan pa ba natin ang patuloy na paggamit ni Lauren Young kay DJ Loonyo? Huwag na! Hayaan na lang natin sa kanyang eme na mas matalino, mas well-informed at mas factual at based on research ang kanyang mga kuda at hanash.

Kahit ano naman ang pagmamaganda niya kay Rhemuel, in the eyes of DJ’s fans, he does no wrong lalo na ngat he mans up for his mistakes at may mahaba-habang paliwanag tungkol sa mga satsat niyang kulang sa nutrients.

Kung inaakala ni Young na she is doing the public service by exposing the flaws and idiocy of Loonyo, maling akala ang kanyang ginagawa .Suntok sa buwan ang kanyang quest to expose the weaknesses of Mr. Flash In the pan.

Feeling ko naman, bet na bet ni Lauren na marami siyang natatanggap na hating and bashing from the Loonyo fandoms dahil bigla siyang her opinion matters sa kanila. All of a sudden may relevance pa pala siya, right? Nobody remembers na nga what was her last project tapos ngayon kinastigo niya lang si Loonyo, trending siya. Ang energies and hatred thrown at her.

Sa true lang, kung hindi naman niya super name calling si Loonyo, may papansin man lang ba sa kanya? Alam na naman na gone with the wind na ang kanyang karera. Nagka-second wind pa tuloy dahil sa lalaking mahal na mahal daw si Ivana Alawi.

Kaya ning, Lauren, magpasalamat ka kay DJ Loonyo dahil kung hindi dahil sa binatang mahusay sumayaw, certified at finality the WHO ka na.

Yun lang!

Aging boldstar nag-inarte kay Jaclyn

Ayan! Ang Cannes winner for best actress, si Jaclyn Jose, kahit paumanhin na ang hiningi kay Vivian Velez, ang babaing dubbed as Ms. Body Beautiful of yore, ayaw tanggapin ang sorry ni Jose.

Eh kung ayaw tanggapin, di huwag. Kasi naman ang Pambansang Aktres, matapos ratratin si Velez, kumambiyo pa. Dapat kasi pinangatawanan na lang niya ang pagmamaldita at pagmamataray lalo na nga’t ang pinagtatanggol ni Vivian eh ang kakaibang dramatic moment ni Pinky Amador.

Kung hindi siya nag-apologize, hindi mag-iinarte ang Velez na she is so freaking important at dahil nga para sa kanya ay half-hearted ang paumanhin ni Jaclyn, ayaw niyang tanggapin ito.

Juice colored! Iba na talaga ang feeling super taas. Ms. Perfection. Madam I am doing this for a friend that has been wronged . Mamang na ang bottom line ay I don’t deserve to be slurred at tawagin na racist and piece of shit.

Dahil binigyang importansya mo ang aging bold star, she now milks the situation dry at kahit may drama siyang her hands are full with so many preoccupations, may panahon siya para sabihing unforgivable ang iyong kuda at hanash, Ms. Jose.

May susunod na kabanata pa kaya ang iringang ito? Kaabang-abang o kahikab-hikab? Spin a bottle and mag-truth and dare na lang tayo, huh!