Djokovic, iba pa aayuda sa mga kapuwa tenista

Nagkaisa ang tatlong tennis icon para mabuo ang $4M relief fund na itutulong sa mga kapuwa netter na world ranked 250 below habang nagaganap ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Hinimok nina Novak Djokovic ng Serbia, Rafael Nadal ng Spain at Roger Federer ng Switzerland ang Top 100 Association of Tennis Professionals (ATP) men’s world ranking players, at top 20 sa doubles, na magdonasyon upang maabot ang halaga ng pondo.

Pinangunahan ni world No. 1 one at ATP Player Council president Serbian, ang panawagan sa pagsulat sa lahat ng mga manlalarong pumapalo sa ATP circuits

Hinihikayat ang mga player na magdonasyon gamit ang isang sliding scale kung saan ang top five na sina Djokovic, Nadal, Dominic Thiem ng Austria, Federer at Daniil Medvedev ng Russia na maghandog ng $30,000 each.

Dapat nagkaloob ang 5th-10th ng $20,000, ang 11th-20th ng $15,000, ang 20st-50th ng $10,000, at ang 51st-100th ng $5,000 para makalikom ng mahigit na $1.05M, na idadaggdag sa tulad na bilang na ibinigay ng ATP at at sa $500,000 ng Grand Slam – Australian, French, Wimbledon at US Opens.

Prinpose din ng Serbian at 17-time Grand Slam champion, ang 50% sa prize money sa season-ending ATP Finals sa London na maaaring idagdag sa pondo.

Ito ang mga itutulong sa kagaya nilang tennis players na hindi nasusuportahan ng kanilang mga pederasyon at wala pang sponsor dahil sa COVID-19.

“We feel that we all need to get together and help these guys out,” giit ni Djokovic sa liham. “Many of them are thinking to leave pro tennis because they just can’t survive financially. ATP has around 700 members and we should try to take care of all of them. We need to send the message to the tennis community and sports world that we care for each other and especially the future of tennis.” ( Lito Oredo)