Djokovic kampeon sa Australian Open

Wagi si world No.1 Novak Djokovic kontra Rafael Nadal sa finals, 6-3, 6-2, 6-3, para makoronahang hari sa 107th Australian Open 2019 Linggo ng gabi (Manila time).

Unang set pa lang nagpakitang gilas na ang Serbian player sa pamamagitan ng kanyang mga service aces laban sa ­Spanish netter.

Pagdating na second set mas lalo pang naging kontrolado ni Djokovic ang hambalusan para mapadalas ang unforced errors ni Nadal.

Tila ‘unstoppable’ na ang naging performance ni Djokovic pagdating ng third set tungo sa straight set win.

Kagaya ni Naomi Osaka, ang women’s singles champion ng Aussie Open, back-to-back Grand Slam champion din si Djokovic na matatandaang nanalo rin sa US Open noong Setyembre.

Ito na ang pangpitong kampeonato ni Djokovic sa Aussie Open at ika-15 titulo bilang Grand Slam titlist.