DLSU-Ateneo, UP-UST sipaan sa semis

Natuldukan ang dalawang taong pamamayagpag ng Far Eastern University dahil sa pagkakaligwak sa eliminations, bagong team ang magkakapeon sa UAAP men’s football championship.

“The competition is getting better and better,” wika ni De La Salle coach Hans Smit. “I have ne­ver seen this competition with six teams vying for the semifinals slots up to the last week.

It has been a good season, I’m happy for the UAAP.”

Top sa eliminations ang Green Archers noong nakaraang taon pero nata­lo sila sa Tamaraws sa one-game final.

Second placer ng ang DLSU ngayong Season 78 sa 29 points.

Pangalawang sunod na season na maghaharap ang La Salle at Ateneo sa one-game semifinals Huwebes ng hapon sa Rizal Memorial Stadium.

Naipanalo ng late goal ni Gelo Diamante ang Archers noong isang taon sa Final Four laban sa Eagles.

Haharapin ng top seed UP (30 pts.) ang UST sa unang match.

Sisipa ang one-game men’s final sa May 5 sa parehong venue.

Magkakaroon din ng bagong kampeon sa women’s division sa pagitan ng De La Salle at UP. (Elech Dawa)