Dinemolis ng UAAP champion La Salle ang Universite de Lyon ng France, 93-74, para maghari sa BLIA Cup University Basketball Tournament sa Kaoh­siung, Taiwan.

Nangalabaw si Ben Mbala ng 26 points, 13 rebounds at four blocks, kumana sina Aljun Melecio at rookie Gabe Capacio ng 19 at 12 markers para sa Green Archers na kinumpleto ang five-game sweep sa tournament.

Si Ricci Rivero na may 10 points, four assists at three steals ang tinanghal na MVP ng torneo.

Sumali ang La Salle sa tournament bilang paghahanda sa UAAP men’s basketball na sisiklab sa susunod na buwan.

“Faith not Fate,” saad ni coach Aldin Ayo sa kanyang Twitter account.

Sumampa sa Finals ang DLSU noong Sabado matapos paluhurin ang Tsing­hua University, 103-95.