Doblado tawagan, napuwera

USE-THIS-ELECH-DAWA-DALUSAPI

Elech Dawa

Ang ganda ng sultada mga klasmeyt noong Miyerkoles sa Mandaluyong Cockpit sa Shaw Blvd., bagama’t maliyamado ay hindi naman basta nagpapadaig ang mga dehadong manok dahil kahit paano ay pinapakaba ang mga liyamadista.

Maraming laban din, minsan nga lang may sultadang matagal maikasa.

Sabagay hindi naman kasalanan ng mga kasador kung matagal ikasa, kasi kung maliit lang ang diperensiya at balikatan naman ang match ay nakakaintindi naman ‘yung mga boss natin na mamamago, larga agad ‘yan.

Pero kung sobrang agrabyado ay kawawa naman kung pipilitin mong papaguhin ‘yung mga kasabong natin kaya ginagawa ng kasador ay tinatanong, kapag ayaw hindi na pinipilit.

May sultada kasi na harang sa laban dahil mala­ki ‘yung nasa Meron tapos tumodo pa ng pusta, naikasa naman pero matagal, ang nakakainis lang ay napuwera dahil natakot ‘yung sa Wala, noong doblado na ang tawagan.

Kung ako naman sa Meron, alam mo nang mamumulot ka ng pera dapat sana kahit Onse na lang pinarada tapos hindi na umakyat ‘yung may-ari.

Wala ngang kasiguruhan kasi parehong may tare pero malaki ang porsiyentong manalo dahil nasa meron na lahat, malaki sa laban, magandang manok at siguradong maayos ang kondisyon dahil malaki ang parada.

Kaya Boss, makuntento para hindi mapurnada.

***
Mga klasmeyt, malapit na ang World Slasher Cup 2, sa Lunes na bibitawan ang mga malulupit na manok panabong, siyempre, inaasahang sasali sina Rey Briones, Biboy Enriquez ng Firebird at Patrick Antonio. Good luck!
***
Mga kasabong, may 2-Cock Derby ngayong araw sa Angeles Cockpit Arena habang Level up 2-hits naman bukas araw ng Sabado sa Imus, Cavite, baka gusto ninyong dayuhan.
Malay natin suwertihin kayo.