Dear Kuya Rom,

Ako ay 21 years old. Lagi akong depressed. Hindi ko kasi magawa lagi ang gusto ko.  Ako ay 6 years nang may relasyon sa isang lalaki.

Alam ito ng mga kaibigan at ilang kamag-anak ko, pero walang alam ang mga magulang at mga kapatid ko kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko.

Ang lovelife ko ay patago, pagkat kapag nalaman ito ng family ko, itatakwil nila ako. Sila kasi ay conservative at very religious.

Ako ay college graduate. Ang plano ko ay magkaroon ng trabaho na konektado sa kurso ko, at magkaroon ng sari­ling tirahan.

Kaya lang, mahirap maghanap ng trabahong gusto ko. May trabaho ako ngayon, pero hindi ko gusto.

Hindi ko rin agad magawang magsarili, kasi nangako ako sa sarili ko na babayaran ko muna ang parents ko sa nagastos nila sa aking pag-aaral.

Mahirap lang ang family namin at kailangang tulungan ko sila.

Sa daming iniisip, madalas na kumakabog ang dibdib­ ko at pinagpapawisan ako nang malamig.

Kabadung-­kabado ako sa mga kilos ko kapag nasa bahay ako. Itinatago ko kasi ang pagkatao ko bilang gay male.

Ipinanganak ako na lalaki, pero may pusong babae.­ Doble kara ba ang tawag dito?

Paano mawawala ang depression, pagkabalisa at pagkalito ko? Paano ako magpapakatotoo? Sana’y may makatulong sa akin. — Marvel

Dear Marvel, 

Ayon sa mga psychologist, ang isang malaking dahilan ng depression at pagkabalisa ay ang pamumuhay na may dalawang mukha, pamumuhay na may pagsisinungaling, panlilinlang at pandaraya. Ang tawag sa pamumuhay ganito ay doble kara.

Ito rin ang dahilan ng pagkalito mo. Bakit? Sapagkat dalawa ang pagkatao mo. May pagkatao kang nakikita ng publiko at may pagkatao kang ikaw at ilang tao lamang ang nakakaalam.

Nalilito ka, sapagkat posibleng kahit sa social media, ang pagkatao mo online ay iba sa pagkatao mo ­offline. Iba ang pagkatao mo sa iyong family life at iba rin ang pagkatao mo sa iyong lovelife.

Sinasamantala ng lalaking ito ang iyong pagkalito upang iraos ang pita ng kanyang laman.

Mabuting layuan mo siya. Panindigan mo ang mamuhay nang matuwid.

Paano ka magpapakatotoo? Gawin mo ito ayon sa katotohanan. Tanggapin mo ang katotohanang nilikha ka ng Diyos na lalaki, at hindi babae.

Huwag kang palilinlang sa bulong ng diyablo na ikaw ay pusong babae. Ang totoo, ang puso mo ay puso ng lalaki, ngunit ito ay makasalanan.

Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-­iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, ­gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinunga­ling at manira ng kapwa.

Lumapit ka sa Diyos na lumikha sa iyo. Manikluhod ka sa Kanya. Manalangin ka, at sa iyong panalangin, hingin­ mo sa Kanya na linisin Niya ay iyong kasalanan, bigyan ka ng kaliwanagan, karunungan, at kalakasan upang ikaw ay makapamuhay batay sa katotohanan at ayon sa Kanyang pagkakalikha sa iyo.

Mahal ka ng Diyos, tutulungan ka Niya upang ikaw ay makalaya sa kulungan ng pandaraya kung saan ka alipin ng diyablo.

Ilagak mo ang iyong buhay sa mapagpalang kamay ng Panginoong Jesus. Manalig kang hindi ka Niya iiwan, tata­likuran o pababayaan man.

Sa tulong Niya, mapaglalaban mo ang kasalanan, magkakaroon ka ng bagong buhay, malinis na puso, katahimikan at ligayang walang hanggan. Pagpapalain ka Niya upang maging pagpapala ka sa iyong pamilya. May God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom