Doble singil? Red Cross nagpapabayad ng P4,500 sa COVID test

“Irregular. Disappointing. Surprising”.

Ito ang naging reaksyon ni Project ARK medical team leader Dr. Minguita Padilla nang matuklasan na nagpapabayad umano ng P4,500 ang Philippine Red Cross sa bawat COVID-19 test bukod pa saklaw na coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) sa mga miyembro nito.

Sa isang online forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines , sinabi ni Padilla na nalaman niya ito makaraang sumailalim sa COVID test ang kanyang driver at pinagbayad umano ng P4,500 para sa COVID test kasama na ang P500 na bayad sa soft copy ng certificate na hindi umano optional.

Ayon kay Padilla , hindi dapat naglabas ng pera ang kanyang driver dahil walang dapat na bayaran ang sa pagsususi dahil saklaw na ito ng PhilHealth coverage at nakapag-advance payment na umano ito ng ng P100M sa PRC para sa gagawing test sa mga miyembro nito .

Sa nasabing sistema, mistulang ang mga miyembro na ang nagbabayad ng reimbursement ng kanilang COVID test sa PhilHealth, ayon pa kay Padilla na dating opisyal ng nasabing ahensya.

“This is wrong,” sabi ni Padilla na labis na ikinabigla ang nasabing kalakaran sa PRC.

“Why is there an extra charge from Red Cross? It’s in the MOA (memorandum of agreement), we know the rights of members (PhilHealth should pay directly the laboratories or hospital without members applying for reimbursement). It’s something we can’t explain,” sabi pa ni Padilla na nagsabing marami pang PhilHealth member ang may kagayang karanasan sa kanyang driver na sumailalim sa COVID testing sa Red Cross.