Doc Willie inendorso ng El Shaddai

Kabilang ang senatorial candidate na si Doc Willie Ong sa mga sinuportahan ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang pagtakbo sa May 13 midterm elections.

Inihayag ito ni Bro. Mike Velarde ilang araw na lamang bago ang halalan sa Mayo 13.

Pinaliwanag ni Bro. Mike na pinili niya si Doc Willie at 13 pang mga senatorial candidate dahil naniniwala aniya sila na tutugunan ng mga ito ang mga suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan katulad ng kahirapan, iligal na droga at kakulangan ng trabaho para sa mamamayang Pilipino.

Bukod kay Doc Willie, kasama rin sa mga sinuportahan ng El Shaddai ang ibang senatorial candidate mula sa administrasyon at oposisyon.
Kabilang dito ang mga reeleksyonistang senador na sina Grace Poe, Sonny Angara at Bam Aquino

Kasama rin sa inendorso ng El Shaddai sina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Philippine Nationa­l Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Francis ‘Tol’ Tolentino.