Nakipag-alyansa si senatorial candidate Doc. Willie Ong sa Anakalusugan ­Party-list upang maisulong ang maayos na healthcare system sa bansa.

Ayon kay Ong, pinili niya ang Anakalusugan upang maging katambal sa pagsusulong ng mga batas sa Kongreso para sa kalusugan ng higit isandaang mil­yong Pilipino.

“We need a partner in the House of Representatives to come up with key le­gislation that will promote and protect the health and well-being of all Filipinos. I have found that partner in Anakalusugan, a party-list that truly represents us all – rich and poor, young and old – because health knows no political color nor economic class,” paliwanag ni Ong.

Ayon naman kay Mike Defensor, second nominee ng Anakalusugan, pinili nila si Doc Willie dahil hindi ito nagpapabayad sa kanyang serbisyo sa bayan.
“‘Yung libre serbisyo niya sa kalusugan noon pa, maraming natulungan.

Aligned ‘yung prinsipyo at adhikain namin para sa kalusugan. So kailangan natin siya sa Senado,” katuwiran ni Defensor.