Unti-unti nang nagkakaliwanag at t­uluyan nang mawawakasan ang matagal na paghihirap ng mga residente ng Palawan kasunod nang puspusang aksyon ng Department ot Energy sa pamamagitan ng multi-sectoral program na tatapos sa walang puknat na brownout sa probinsya.

Sa isang pulong noong nakaraang linggo, nagsumite ang mga stakeholders sa public at private sectors ng mga programa base sa mga kanilang finding at rekomendasyon sa Task Force PALECO ng DOE.

Bumuo ng special task force noong Pebrero si Energy Secretart Alfonso Cusi upang matugunan nang power enterruption na nararanasan sa Puerto Prin-cesa at ibang bahagi ng Palawan.

Nakipagpulong ang Inter-Agency Coordinating Committee at Task Force sa mga kinatawan ng Pa-lawan electric Cooperative (PALECO), National Power Corporation (NPC) at mga provincial government agency upang pag-usapan ang progreso ng implemantasyon sa kani-kanilang action plan.

Ang PALECO ang naging sentro ng batikos ng mga consu-mers simula pa noong 2017 dahil sa hindi magandang serbvisyo ng kuryente sa probisnya.

Inatasan noon ni Cusi ang TF PALECO na imbestigahan ang pangit na serbisyo ng kureynte sa pamamagitan ng Performance Audit and Assessment. At dito natukoy ang mga dahilan ng problema kabilang anguncoordinated synchronization of the protection system ng PALECO at NPC’s distributions lines; overloaded substations; vegetation obstruction sa mga distribution lines; at ang mabagal na coordination sa pagitan ng mga government agencies sa distribution line maintenance at improvements.

Agad na tinugunan ng PALECO, NPC at National Electrification Administration ang isyu. Nagsumite din ng final report ang una sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na pinamumunuan ni Gov. Jose Chavez Alvarez na nangakong tutulong sa problema.