BAGUIO CITY — Timbog ang dalawang lalaki matapos makumpiska sa kanilang sasakyan ang sako-sakong karne ng aso sa inilatag na checkpoint ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 1 sa Naguillian Road ng lungsod na ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Rene Boy Santino, 34-anyos, tubong Tublay, Benguet at residente ng Fairview sa lungsod na ito at Richard Sereno Cariño, 37-anyos, tubong Ambongdolan, Tublay, Benguet at residente ng Irisan, Baguio City.

Bahagi umano ng operasyon ng mga awtoridad na i-check ang OR-CR ng sasakyan (Tamaraw Fx-TFG-184) ngunit nang buksan ng mga suspek ang bintana ay umalingasaw ang sunog na karne ng aso.

Kinasuhan ang dalawa dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act.