DOH: 792 nakarekober, 494 namatay sa COVID

Mahigit 700 pasyente na ang nakarekober sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 na mas malaki kumpara sa bilang ng mga nasawi sa naturang sakit, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ng hapon.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin #042 alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, nabatid na nasa 7,294 na ang naitalang kabuuang kaso ng mga dinapuan ng virus. Nakapagtala ng 102 bagong kaso kahapon.

Nasa 792 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos madagdagan ng 30 gumaling sa virus.

Samantala, 494 na ang kabuuang bilang ng nasawi kasama na rito ang naitala na 17 bagong kaso ng mga pumanaw sa virus. (Juliet de Loza-Cudia)