DOH: Mag-ingat sa heatstroke

DOH: Mag-ingat sa heatstroke

Dahil buwan ng Marso kalimitang naitatala ang buwan ng tag-init, pinag-iingat ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko kontra heatstroke.

“Heatstroke. Heat exhaustion. These are already possible,” paalala ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon sa DOH, bagama’t wala pang anunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa hinggil sa pagsisimula ng summer ay nag-warning na ang tanggapan dahil tuwing summer season ay mas tumataas ang bilang ng kaso ng heatstroke.

Partikular anila na umaatake ito sa mga taong nasa kasagsagan ng pag-i-exercise, babad sa sikat ng araw lalo na kung dehydrated na ang mga ito.

Bunga nito, ipinayo ng DOH na ugaliing uminom ng marami o sapat na tubig. Limitahan ang paglabas at pagbababad sa araw at iwasang uminom ng tsaa, kape, softdrinks at iba pang alcoholic beverages.

“Avoid being under the sun from 10 a.m. to 4 p.m. It’s bad for the body to be exposed during those times,” payo pa ng health secretary.