DOH nagpaalala sa dengue

Inalerto ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa sakit na dengue na nakukuha mula sa kagat ng lamok matapos ang pagdami ng dengue cases­ na kanilang naitatala sa bansa nitong nakalipas na ­pitong buwan ng taong kasalukuyan.

Sinabi ng DOH, nakakaalarma ang data na sa ­unang pitong buwan lamang ng taong 2016 mula ­Enero 1 hanggang Hulyo 16, ay umaabot na sa 66,299 ang dengue cases na naitala.

Mas mataas ito ng 22.9 porsiyento kumpara sa naitalang dengue cases sa kahalintulad na petsa noong taong 2015, na umabot lamang sa 53,938 kaso.

Para maiwasang makagat ng dengue-carrying mosquitoes, ipinayo ng DOH ang paggamit ng mosquito-repellent lotion at pagsusuot ng mahahabang damit tulad ng long sleeve at pantalon, na mapusyaw ang kulay.

Bagama’t walang pinipiling panahon ang pambibiktima ng dengue, ang buwan ng Agosto at Setyem­bre ang itinuturing na peak season ng natu­rang sakit, dahil sa madalas na pag-ulan at pagdating ng mga bagyo.