Nanawagan kahapon si Health Secretary Francisco Duque III sa mga drugstore at pharmaceutical company na ibenta ang mga gamot sa diabetes, high cholesterol at hypertension na may kaakibat na diskwento.

Ang panawagang ito ni Duque ay kasunod na rin nang hindi na pagpataw ng value-added tax (VAT) sa nasabing mga gamot.

Ito ay kaugnay na rin sa implementasyon ng Section 109-AA of Republic Act 10693 na ipi­natupad ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH), Bureau of Internal Revenue and Food and Drug Authority (FDA) Joint Administrative Order No. 2-2018 at BIR Regulations No. 25-2018.

“Ang panagawan natin sa mga drugstores ay sundin natin ang batas nang hindi tayo magkaroon ng problema. Otherwise, baka kayo makasuhan. There is only 7 percent of senior citizens out of the total population of 104 million and the rest won’t be covered,” paalala ng health secretary.

Nauna nang napabalita na epektibo at simula kahapon, ang mga gamot para sa nasabing mga sakit ay vat-free o wala nang Value Added Tax bilang bahagi na rin ng probisyon.

Ang access sa healthcare at mas murang gamot ay isa sa mga probisyon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng Duterte administration. (PNA)