Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque sa publiko na tangkilikin ang bakuna upang maiwasan ang posibleng outbreak ng mga sakit.
“Ako ay nanawagan sa mga magulang… ito po ay libre. Itong mga bakunang ay mula dekada sisenta, 1960…. bakit naman ipagkakait naman ninyo sa mga anak ninyo dahil lamang sa isang naging kontro­bersya sa Dengva­xia. Hindi dapat mawalan ng tiwala sa ating pong bakuna sapagkat ito po ay mga ligtas, dekalidad, libre, at tunay na nakakasalba ng buhay,” paliwanag pa ni Duque.
Sinabi ng Kalihim, ang pinakamahalagang public health intervention ay ang pagpapabakuna, kaya hindi ito dapat ipagkait sa mga bata.
“Kasi kung hindi, sa bandang huli, kayo po,. dahil pwedeng makamatay na sakit na tinatawag na vaccine preventable diseases,”dagdag pa ni Duque.
Iginiit pa ni Duque na napakaimportante ng bakuna dahil nakakapagsalba ito ng buhay kaya hindi dapat na sayangin ang pagkakataon.
Nabatid kay Duque na bilyon-bilyon piso ang ginagastos ng gobyerno sa immunization program.
“Tangkilikin po natin ito at dalin po natin ang mga bata sa health centers,” ayon kay Duque .