Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na babawiin ng Korte Suprema ang inilabas nitong temporary restraining order (TRO) laban sa pagbili at pagpapakalat ng contraceptives sa buong bansa.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Enrique Tayag, sa pulong balitaan sa “Legal Barriers to Family Planning: Putting Women’s Lives at Risk”, na kumpiyans­a itong magiging matalino ang Supreme Court (SC) sa ilalabas nitong desisyon.

“We are confident that the Supreme Court will ­respect the rights of Filipino women,” sabi ni Tayag.

Magugunitang noong Marso ay naghain ng urgent motion ang DOH at ang Office of the President para ma-lift ang TRO na naging epektibo simula pa noong taong 2015.