Binaligtad ng Department of Justice (DOJ) ang nauna nitong reso­lusyon na nagsasabing walang probable cause para kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Da­ngerous Drugs Act o RA 9165 si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Napapaloob sa 27-pahinang resolu­syon na may petsang Setyembre 15, 2016 at pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, may probable cause para kasuhan sina Marcelino at ang Chinese interpreter na si Yan Yi Shuo alyas Randy ng possession of dangerous drugs na paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165.

Ang kaso ay isinampa na kamakalawa sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang kaso laban kay Marcelino.

Ang resolusyon ng DOJ ay kasunod ng inihaing motion for reconsi­deration ng Philippine National Police(PNP)-Anti-Illegal Drugs Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kumukuwestiyon sa naunang resolusyon ng DOJ noong Mayo 23, 2016 na pumapabor sa mga ­respondent.

Magugunitang si Marcelino ay inaresto ng mga tauhan ng PDEA at Anti-Illegal Drugs Group ng PNP sa pagsalakay na ikinasa ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero ng taong kasalukuyan.

One Response