Inatasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) at Cybercrime Division ng ahensya na mahigpit na ipatupad ang cyber security measures ng bansa sa gitna ng pag-atake ng WannaCrypt ransomware sa ibang bansa.
Sinasabing ang Wannacrypt ransomware ay nagdedemanda ng USD300 mula sa mga biktima nito at nagbabanta ng permanenteng tatanggalin nito.
Ngunit nilinaw ng kalihim na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ulat na may nagaganap nang pag-atake ng ‘WannaCrypt’ sa bansa.
Base sa ulat ni Danny Palmer ng ZDNet.com, ang mga negosyo, pamahalaan at mga indibiduwal sa 74 bansa sa buong mundo ay nakapambiktima na ng mahigit sa 45,000 ng nasabing ransomware sa cyberspace sa loob lamang ng ilang oras.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 45 NHS organizations ang naapektuhan ng nasabing cyber attack.