DOJ memo sa VFA isusumite kay Duterte bukas

Isusumite na bukas ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang isi­nagawang pag-aaral kung papaano ta­tapusin sa ligal na pro­seso ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Nabatid sa kalihim na kasama umanong nagsagawa ng pag-aaral ang ilang abogado.

“I’m done with the study on the procedure for terminating the VFA but I have to submit first my memo to PRRD on Monday,” ayon kay Guevarra.
Gayunman, tumanggi si Guevarerra na magbi­gay ng anumang detalye sa nabuong rekomendasyon ng DOJ.

“The order to study is limited to the VFA. We shall deal with the procedure for termination only, not the wisdom of the exe­cutive action,’’ ayon kay Menardo.

Ipinaliwanag pa nj Guevarra na ang aksiyon ni Duterte ay politikal at hindi umano ito ang tinitingnan ng DOJ kundi ang ligal na implikasyon ng nasabing kautusan.

“The wisdom of the exe­cutive action refers to the pros and cons of the termination. That’s poli­tical, not legal. The DOJ will deal only on the legal way to terminate the VFA,” ani Guevarra.

Nilinaw umano sa rekomendasyon ng DOJ kung ang VFA ay isang tratado o isang executive agreement, at kung ito ay tratadong kinakaila­ngan pa ba ang pagsang-a­yon ng Senado kung ito ay iti-terminate at kung sino ang magbibigay ng notice of termination.

Nilinaw ni Guevarra na ang iba pang agreement sa US tulad ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay dapat isailalim sa iba’t ibang pag-aaral ng mga kaukulang departamento upang malaman kung may magiging epekto rito sakaling tuluyang mabasura ang VFA.

“Possible effects on the MDT and EDCA may have to be studied se­parately by the Department of National Defense and Department of Fo­reign Affairs, but the DOJ will be ready to assist,” sabi pa ni Guevarra. (Juliet de Loza-Cudia)