DOJ naglalatag ng bagong kontrata para sa Maynilad, Manila water

Nag-umpisa nang magbalangakas na bagong concession agreement ang Department of Justice (DOJ) para sa Manila Water Company Inc. ng mga Ayala at ng Maynilad Water Services Inc. ni Manny V. Pangilinan at ng mga Consunji.

Ayon kay Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) administrator Emmanuel Salamat, gagawin ng MWSS at ng da­lawang concessionaires ang lahat para masunod ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkapirmahan ng bagong kasunduan para sa pagkatapos ng 2022.

Nilinaw ni Salamat na epektibo pa rin ang kontrata ng Maynilad at ng Manila Water Company Inc. na matatapos sa 2022. Sabi niya, tanging ang extension ng kontrata hanggang 2037 lamang ang ibinasura. Ang extension ay ginawa noong panahon ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Salamat, inatasan ang MWSS na i-renegotiate ang concession agreement sa Maynilad at Manila Water para matanggal ang mga tinuturing na iligal at nakadedehadong mga probisyon nito sa kanilang mga consumer.

Kinikilala ni Salamat ang cooperation na ipinakita ng dalawan­g concessionaires tulad ng hindi na paghabol sa arbitral awards at ang kanilang bukas-loob na pakikpagnegosasyon sa bagong concession agreement pagkatapos ng 2022.

“The continuity of the water sector PPP (public-private-partnership) depends on strong communication channels and handhol­ding engagement so that the basic access to water and wastewater services will not be jeopardized, which includes fully addres­sing and accomplishing the urgent call for new water and sewe­rage infrastructure projects,” sabi ni Salamat. (Eileen Mencias)