Tatlong anggulo ang tinitignan ng militar sa naganap na pangingidnap ng mga miyembro ng Abu Sayyaf kay Dr. Daniel Moreno noong Pebrero 4 sa kanilang bahay sa Brgy. Walled City sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Phi­lippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Commande­r Lt. Gen. Cirilito Sobejana, posibleng dinukot si Dr. Moreno upang gamutin nito ang sugatang miyembro ng ASG, ikalawa ay upang gamutin si ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan na may sakit umanong tuberculosis o TB, habang ang ikatlong anggulo ay para sa ransom money.

“We are now validating the report and intensifying our monitoring efforts regarding the report aimed at recovering Dr. Daniel Moreno an internist physician and a resident of Jolo town proper whom the ASG kidnapped in Jolo, Sulu on February 4,” saad ni Sobejana.

Sa ngayon ay wala pa umanong natatanggap ang pamilya ng doktor ng anumang ransom demand mula sa ASG, dagdag pa ni Sobejana.

Nakuha na rin ng militar ang CCTV footages sa pagkorner ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa doktor.

“We viewed the CCTV footage and we observed that Moreno was first shocked with the presence of the four armed, but later, he just went with group. They were not even dragging or holding him on his arms,” paliwanagn ni Sobejana. (Edwin Balasa)