Inilunsad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hotline 1329 na maaaring­ magamit ng mga manggagawa laban sa hindi makatwirang pamamalakad ng mga employers nito­ sa buong bansa.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, ang DOLE Hotline 1349 ay magbibigay ng 24/7 serbisyo sa mga manggagawa at employer na may mga katanungan at reklamo na may kinalaman sa paggawa at empleyo.

“Ito ang kontribusyon ng kagawaran upang tiya­kin ang mabilis at maayos na serbisyo ng pamahalaan para sa ating manggagawa. Pahuhusayin at palalakasin din ng 24/7 hotline service ang pagtataguyod ng empleyo at pagtugon sa iba pang katanu­ngan ukol sa paggawa,” ani Bello.

Para sa DOLE Hotline 1349, kasama sa mga kata­nungan ang oportunidad sa trabaho para sa lokal at ibang bansa, karapatan at benepisyo ng manggagawa, kondisyon sa paggawa, ugnayan sa paggawa, at iba pang usapin sa empleyo.