DOLE kinalampag mga employer sa cash aid

Nananawagan na si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa mga employer para asikasuhin ang matatanggap na cash aid ng mga manggagawa na nasa formal sector at maging sa mga nasa informal sector.

Ayon kay Bello, may ilang establisimiyento umano na tumatangging magsumite ng kanilang payroll sa mga apektado nilang manggagawa.

“I therefore appeal again to companies that, for the sake of your employees and workers, submit your reports so that we may be able to extend them their most needed assistance under the COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP),” pahayag ni Bello.(Mina Aquino)