Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na sumunod sa itinatakda ng batas sa pagbabayad ng holiday pay sa mga manggagawa nito sa selebrasyon ng National Heroes’ Day na idineklarang national holiday.
Ang abiso ay inilabas ni DOLE Sec. Silvestre H. Bello III kung saan idineklarang holiday ang araw ng Agosto 29.
“Proper observance of the pay rules on regular holidays and special non-working days will lead to more productive and competent employees,” sabi ni Bello.
Nakasaad umano sa batas, na ang isang empleyado na papasok sa Agosto 29 sa loob ng 8-oras ay dapat na makatanggap ng 200% ng sahod nito.
“If the employee did not work, he or she shall be paid 100 percent of his or her salary for that day [(Daily Rate + Cost of Living Allowance) x 100%]. For work done in excess of eight hours (overtime work), he or she shall be paid an additional 30 percent of his or her hourly rate on said day [(Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked)],” ayon pa sa DOLE.