Tuluyan nang nasawi ang isang rough-toothed dolphin sa Nacpan Beach sa El Nido matapos itong magkasakit dahil sa hindi pagkain ng ilang linggo.
Nadiskubre sa isinagawang post-mortem examination sa dolphin na si ‘Wally’ na nakakain ito ng isang plastic garbage bag.
Ang naturang basura ay bumara sa kanyang tiyan na nagresulta ng kanyang pagkakasakit at kawalang ganang kumain hanggang sa masawi.