Domingo, Creamline pinatagas ang PetroGazz

Kuminang si Celine Domingo ng 9 attacks at 2 blocks para sa 11 points at ninamnam ng defenĀ­ding champions Creamline ang fifth straight victory, pinasirit ang PetroGazz, 25-19, 28-26, 25-20, 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations sa The Arena-San Juan City.

Bumakap si volleyball phenom Alyssa Valdez ng 15 markers upang ibigay ang ikalawang talo sa Angels sa tatlong salang at gulong sa ikaanim na puwesto sa rematch ng dalawang protagonista sa nakalipas na buwang Reinforced Conference na sorpresang pinamayagpagan ng PetroGazz.

Si Jeanette Panaga ang nanguna sa opensiba ng Angles sa 10 puntos. (Aivan U. Episcope)