Viral ngayon ang ipinost ng Kapamilya actor na si Dominic Roque sa kanyang IG account na kasama si Bea Alonzo.
Spotted kasi sila together na kumakain sa isang restaurant sa Tokyo, Japan.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang nasabing photo. May mga kinilig sa kanilang larawan at agree ang ibang netizen na may chemistry sila.
Ito ang ilang komento ng netizens: “Bagay po kau ni idol beaalonzo”, “para hindi kna mag third wheel sa kathniel hahahaha pez dom”, “ligwan mo nalng c bea dba single na sya bgay kau hehehe”, “pwedeng kayo nalang. hehehe loveyou”, “Omg!!!! Baaaagggaaaay”, “Bagay kau ni Bea”, “sana kayo nalang n bea bagay kasi kayo..”
May ilan din namang hindi aprub sa pagkakaka-link ni Dom kay Bea at inakusahang ginagamit lang ng hunk actor ang magaling na aktres para mapag-usapan.
May mga bitchy comments din na nagsasabing hindi sila magka-level ni Bea dahil wala pa raw namang itong napapatunayan sa kanyang karera kumpara sa aktres. (Archie Liao)