KAILAN kaya matututong umarte si Dominic Roque?
Puro pagpapa-cute na lang ang ginagawa niya sa TV, ha?

At hindi na siya bumabata, hindi rin siya gumaga­ling.
Sayang.

Ganyan din si Aljur Abrenica na kahit sumubok magpakalalim sa acting sa Hermano Puli ay hindi pa rin mawala ang pagpapa-cute.

Sabi ng columnist na si Rina Jimenez David, “As portrayed by actor Aljur A­brenica, Hermano Puli barely left a trace of anger, insult, indignation or ire in him.”

Pareho sina Dominic at Aljur na pretty boys na walang laman ang mga mata.

***

Bombastik ang YouTube video ng dalawang pogilicious na Pinoy bagets.

Kung anu-anong kuwento ang nahalukay kaugnay sa dalawa, at nadadawit ang mga pangalan ng mga badidang sa showbiz.

Ang P300,000-question, pa-booking ba sila sa halagang P15K kaya natanggal sila sa all-male dance group ng isang malaking TV station?

Pakisagot, Leklek Tu­malad of Asia!

***

Congrats kay P­atrick San Miguel, na kinoronahan kahapon nang madaling-araw sa One 690 bilang One-Side Bikini King 2016.

First runner-up si Ronie Palermo at 2nd runner-up si Benson Torres.

‘Yun na, Mami Gen at Choco Batok!