Dominic tinik kina Lloydie-Bea

NI: RONA RONDA

Iniuugnay pa rin sa isa’t isa sina Dominic Roque at Bea Alonzo. Nagsimula silang ma-link noong November 2019, matapos ang naging trip nila sa Japan.

Ngayon ay muli na naman silang naintriga dahil sa simpleng pagkomento ni Dominic ng heart emoji sa larawang ipinost ni Bea sa Instagram. Ang latest post ng aktres ay tila nahahawig din sa larawan na kuha ni Dominic noong sila’y nagpunta sa Japan.

Dumagdag pa sa espekulasyon na kasama rin umano si Dominic sa tumulong kay Bea sa paggawa ng face shields na ipinamahagi sa mga frontliner. Naispatan kasi ang sasakyan ni Dominic na nakaparada sa bahay ni Bea noong idineliver ang materyales para sa face shields.

Pero, hindi lang si Dominic ang nali-link sa aktres dahil maging ang dati niyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz ay nagpapakilig na namang muli.

Sa mga fan nina Bea at Lloydie nagsisilbing tinik si Dom.