Donal safe na sa Covid-19, nagbigay ng blood plasma

Naka-recover na si James Donal sa COVID-19, sunod na ginawa ng New York Knicks owner nag-donate ng blood plasma para magamit sa research sa paghahanap ng gamot sa coronavirus disease.

Sa ulat ni Larry Brooks ng New York Post, sa Duke University Medical Center at NYU Langone Health nag-register si Dolan β€œto donate plasma antibodies for a large multicenter through the New York Blood Center and Mt. Sinai.”

Nagka-mild symptom si Dolan, nawalan ng pang-amoy.

β€œ(Dolan) self-isolated after learning of his positive test but continued to work on a regular schedule from his home,” bahagi ng report ni Brooks.

Si Utah Jazz center Rudy Gobert ang unang NBA personality na nag-positive sa virus noong March 11, kasunod niyon ay sinuspinde na ang natitira pang mga laro sa regular 74th season.

Nag-positive din ang teammate ni Gobert na si Donovan Mitchell, kasunod si Detroit Pistons big man Christian Wood.

Dinapuan din si Kevin Durant at tatlong teammates niya sa Brooklyn Nets, pati si Marcus Smart ng Boston Celtics, tatlong miyembro ng Philadelphia 76ers organization, isa mula sa Denver Nuggets, at dalawang players ng Los Angeles Lakers.

Wala pang kasiguruhan kung itutuloy pa ang season. (VE)