WebClick Tracer

Donasyon nakadeposito sa pangalan: Pia ‘di ubra sa Kupit-19 – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Donasyon nakadeposito sa pangalan: Pia ‘di ubra sa Kupit-19

Apr 05, 2020 (Apr 05, 2020) Abante Tonite

NI: RONA RONDA

Binira ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ng isang netizen matapos nitong ibigay ang personal niyang bank account number para sa mga magpapa-abot ng donasyon.

Nagkaroon kasi ng aberya sa GoGetFunding na binuo niya para sa mga magdo-donate. Ang tulong ay para sa COVID-19 crisis sa bansa.

Ang halagang malilikom ay ipambibili ng medical face masks ng mga health worker at frontliner.

Isang netizen ang kumwestiyon kung bakit kailangang sa pangalan niya mismo i-deposito ang donasyon. Nilinaw naman ni Pia na nagbukas pa siya ng account para lamang sa donasyon at hindi personal na account ang ginamit niya.

May isang netizen naman ang nagsabing dapat ay siya lamang ang mag-donate dahil sa malaki na ang kinita nito sa kanyang shampoo at bank endorsements na tinangkilik ng mga tao.

Sey naman ni Pia, “hiwalay pa po dyan yung galing po sakin mismo.”

Showbiz, Showbiz Stories bank account number, COVID-19 crisis, donasyon, Miss Universe 2015, personal, Pia Wurtzbach

Post navigation

 Serb football player arestado sa curfew4 tulak timbog sa Fairview 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam