Nasorpresa si Vice President Leni Robredo sa pagsulpot ng aktor na si Enchong Dee.

Mag-isa raw dinala ni Enchong ang mga donasyon nitong mga personal protective equipment (PPE) para sa mga frontliner.

May dala rin ang aktor na pagkain para sa mga volunteer.

“Biglang nag appear sa office ngayong hapon, mag isa. May dalang mga PPEs para sa frontliners at pagkain para sa volunteers. Mabuhay ka, Enchong Dee,” tweet ni Robredo nitong Abril 21.(IS)