Donasyon ni Ongpin tablado sa PAGCOR

roberto-ongpin

Tablado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang alok ni dating Trade Minister at business tycoon na si Roberto Ongpin na donasyon sa ahensya.

Nabatid na inialok ni Ongpin ang 49-percent na kanyang sapi sa Philweb Corporation, isang gaming technology service provider.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na ang pagtanggi nila sa alok na donasyon ay bunsod na rin ng pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa on-line at sa on-site electronic gaming dahil sa idinudulot nitong problema sa lipunan.