Donasyon sa COVID tinengga ni Duque

Umiiral umano ang matinding buraukrasya sa Department of Health (DOH) kung kaya sa kabila ng pagdagsa ng mga donasyon na Personal Protective Equipment (PPE) sa bansa ay marami pa rin hospital gaya ng Lung Center of the Philippines ang nagmamakaawa para magkaroon ng mga protective hear na pangontra sa COVID-19.

Nabatid sa isang DOH insider na iginigiit umano ni Health Secretary Francisco Duque III na dumaan muna sa kanya ang lahat ng donasyon bago ito ipamahagi sa mga ospital sa Metro Manila at mga karatig lugar

Nabatid pa na nagrereklamo ang mga government hospital at mga fontliner dahil sa kawalan ng PPE sa kabila na sila ang nasa panganib na mahawahan nf virus.

Nabatid na napakabagal umano ng DOH na magpamahagi ng mga donasyon na gamit ng mga doctor at mga frontliner.

“Very slow mag-distribute ad DOH. Baka pwede na assign ang Boy Scouts or any NGO (non-government organization) and mong leading hospitals. Just have them sign with photos. These are extraordinary times,” ayon sa DOH insider.

Sa kabila ng inianunsiyo na ng DOH na dumating na ang mga N95 mask pero kinakailangan na porma pa silang mag request kay DOH Director IV Gloria Balboa para mabigyan ng mga PPE.

Bukod pa sa mga karagdagang requirements na hinihingi ng DOH.

Sinabi pa ng insider na parang walang nagaganap na `emergency; sa bansa ngayon dahil sa matinding red rape sa loob ng DOH.

Hindi umano magiging kataka taka na mas marami pang frontliner ang mahawahan ng COVID19 dahil sa iponatutupad na `checkpoint’ ni Duque sa mga donasyon na PPE.(Juliet de Loza-Cudia)