Galit si Luka Doncic dahil ilang beses aniya siyang hinambalos sa mukha pero hindi pumito ang mga referee, partikular sa dulo ng manipis na 112-109 loss ng Dallas Mavericks sa Indiana Pacers nitong Linggo.
Sa final 30 second ng laro at iwan ng isa ang Dallas, inatake ni Doncic ang basket bago pinasa sa labas ang bola, pero tinamaan siya sa mukha at bumagsak.
Pagkatapos ng laro, sinabi ng 21-year-old sophomore na tatlong beses siyang inabot sa mukha.
“I got hit in the face and that should be a foul. They should look at it. I think the rule is when you get hit in the face they look at it to see if it’s flagrant or no, right? I got hit in the face three times – two of them was not a foul,” reklamo ni Doncic, ayon kay Tim MacMahon ng ESPN.
Pagbagsak ni Doncic,kumaripas sa kabila ang Pacers. Na-foul si Victor Oladipo, kalmadong ibinaon ang dalawang free throws 112-109 Indiana. Sablay ang dalawang subok ni Doncic na itabla ang iskor.
Tumapos ang Slovenian ng 36 point, 10 rebound at 8 assist. (Vladi Eduarte)