Solo-katawan na nagpasabog ng 11-0 run si rookie Luka Doncic para burahin ang eight-point deficit sa dulo ng fourth quarter at balikatin ang Dallas Mavericks sa 107-104 panalo kontra Houston Rockets Sabado ng gabi.
Inumpisahan ng 19-year-old Slovenian ang personal run sa 3-pointer sa sulok.
Sunod ay umatras naman ng ilang hakbang sa labas ng arc para ibaon ang isa pa sa harap ni Houston center Clint Capela, bago ang panablang floater sa lane.
Matapos pumeke na bumura kay Capela sa eksena, humakbang si Doncic sa likod ng 3-point line, ibinaon ang 26th lead change.
“It’s pretty clear that he’s got a flair for the moment,” ani Dallas coach Rick Carlisle. “He’s unafraid. You don’t see that every day. It’s a unique three or four minutes, whatever he put together there.”
Nakontrol ni James Harden ang maagang foul trouble para umiskor ng 35 points, pero walang naipasok sa apat na 3-point tries sa fourth. Dalawa rito ay pinakawalan niya sa kalagitnaan ng pasabog ni Doncic, pati si Chris Paul na sumablay sa dalawang free throws bago ang tying bucket ni Doncic.
Namuno sa Mavs ang 21 points ni Doncic na 3 for 13 downtown. May 21 din si Wesley Matthews.
Mas maraming beses hinawakan ng Dallas ang manibela sa first three quarters pero hindi lumamang ng higit sa walo.
Sa first 9 minutes ng fourth, naglunsad ng 18-7 run ang Houston para lumamang ng walo 3:09 sa orasan.
Hindi na umiskor mula roon ang Rockets, at wala na ring umiskor sa Mavs maliban sa isang nagngangalang Doncic.