Nakapaglaro na muli si Luka Doncic, at bumalik ang angas ng Dallas Mavericks.
Nagarahe nang pitong laro dahil sa sprained ankle si Doncic, bumalik nitong Miyerkoles para makipagsabwatan kay Kristaps Porzingis sa 130-111 pagsilab ng Mavs sa Sacramento Kings
May pinagsamang 60 points ang dalawa.
Pinuno ni Porzingis ang stats sheet ng 27 points (11 of 16 shooting), 13 rebounds, season-high 5 assists at 3 blocks.
Walang lehitimong five ang Kings, pinaglaruan ni Porzingis ang mas maliliit na defenders sa lahat ng sulok ng floor. Naroong pumoste siya sa wing at sa free throw line.
Habang wala ang Slovenian teammate niyang si Doncic, nagposte ang 7-foot-3 Latvian na si Porzingis ng career-best three consecutive games na may 30 points o higit pa at 10 rebounds.
Tumapos si Doncic ng 33 points, 12 rebounds at 8 assists.
Plano rin ng 20-year-old na maglaro sa Rising Stars Game ng All-Star Weekend sa Chicago sa Biyernes (Sabado sa Manila). Pahinga siya kinabukasan, babalik ng susunod na araw para sa All-Star Game bilang starter ng Team LeBron. (VE)