Dong Abay bad trip sa pagkilala ng U2 kay Pia Cayetano

Umasim ang mukha ng bokalista ng bandang ‘Yano’ na si Dong Abay nang ihilera ng Irish rock band U2 ang mukha ni Senador Pia Cayetano bilang isa sa mga natatanging Pinay, sa kanilang concert kamakalawa nang gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“What I hate the most about U2’s The Joshua Tree concert is Pia Cayetano,” tweet ni Abay nitong Huwebes.

Habang kinakanta ng banda ang “Ultra Vio­let”, pinakita sa background ang mala­king larawan ng mga revolutionary Pinay tulad ni Melchora Aquino, dating Pangulong Cory Aquino, Lea Salonga, Cayetano at iba pa.